RSS

Tag Archives: samleen

Sigaw ng mga tagasubaybay ng hit sunday dance-serye ng DOS, Good Vibes Season 2!

Ang “Good Vibes” ay isang youth-oriented/dance-series ng Kapamilya Network na nagsimulang umere noong April 3 at napapanood tuwing linggo pagkatapos ng ASAP Rocks ay nakakubling magwakas sa katapusan ng buwang ito na papalitan ng panibagong teen show mula sa Mara Clara Teen stars, ang “Growing Up”.

Nakaplano lamang sa 14 na episodes ang show na ito na pinagbibidahan nina Sam Concepcion at Enrique Gil. Ngunit dahil sa consistent high ratings sa TNS Kantar Ratings laban sa katapat na programa sa Kapuso Network na isa ring youth-orinted show  ang “Reel Love Presents: Tween Hearts”, Inextend ng ABS-CBN ang show hanggang katapusan ng buwang ito. Sa katunayan, nakuha ng Good Vibes ang Pinakamataas nitong TV rating sa ika-18 epsiode noong July 31 na pumalo sa 12.2% laban sa  8.8% ng Tween Hearts.

Hindi lang dance moves at storya ng serye ang inaabangan ng avid viewers ng show, kundi ang kiligvibes na dulot ng mga Love Teams sa show. Ang tambalan ni Troy (Enrique Gil) at Geleen (Linn Oeymo) ay talagang sinusubaybayan pati rin ang “Mahal kita, Mahal mo siya, Mahal ka niya” love story nina Marc (Sam Concepcion), Ara (Yen Santos) at Monique (Coleen Garcia) ay pinag-uusapan din ng mga manonood.

Samantala ang Love Story ni Maribeth (Devon Seron) na ala “Fairy tale/Cinderella meets Prince Charming” na siyang pinag-aagawan ng mga imported at cute guys na si Aussie boy, Spencer (James Reid) at American dude, Gab (Ivan Dorshner).

Petition Site

Mukang bitin ang mga fans ng Good Vibes sa 4 na buwan pag-ere ng show, kaya mayroon silang inoorganisang petisyon para magkaroon ng Season 2.!

Kayo ka-biter, makikikagat ka ba sa petisyong ito para sa Good Vibes Season 2?

Advertisements
 
6 Comments

Posted by on August 11, 2011 in abs-cbn

 

Tags: , , , , , , , , , , , , ,

 
%d bloggers like this: