RSS

Tag Archives: Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010

Ann Li, bilang si Lucy sa Good Vibes! JamLi o JaeVon ka ba?

Patuloy ang pamamayagpag sa TV rating ng Good Vibes laban sa katapat nitong programa sa GMA 7 na Tween Hearts. Noong nakaraang linggo ay nakakuha ng tumataginting na 10.4% sa TNS Rating ang GV Crew laban sa 8.6% ng Tween Hearts.

Nagyong linggo (August 14), totoo na kaya ang nararamdaman ni Marc (Sam Concepcion) kay Ara (Yen Santos) ? o si Monique (Coleen Garcia) parin ang gusto niya?

Samanta, magkakaroon ng selosan ang love birds ng GV Crew, Paano magpapaliwanag si Troy (Enrique Gil) kay Geleen (Linn Oeymo) dahil sa di sinasadyang paghalik sa kanya ng pinsan ni Ara na si Gracia (RR Enriquez) ?

At ang isa sa pinag-uusapang tambalan ng Good Vibes, si Maribeth (Devon Seron) at Spencer (James Reid), ngayong magkasintahan na ang dalawa, ano ang magiging ugnayan ni Spencer sa kay Lucy (Ann Li)?

Abangan ang huling 3 linggo ng Good Vibes, pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN!

Ka-biters, sino ba ang gusto nyo magkatuluyan sa Good Vibes kung sakaling magkaroon ng Season 2? si Spencer at Lucy (Jamli) o Spencer at Maribeth (Jaevon)? Like their photo now. Voting until August 20!

 
21 Comments

Posted by on August 13, 2011 in abs-cbn, teens

 

Tags: , , , , , , , , , , ,

Kapamilya Teen Star paboritong i-guest sa MAYNILA ng Kapuso Network!

Isang magandang sign na uti-unti nang nawawala ang tinatawag na ‘network war’ ang pagiging malayang pagtratrabaho ng isang Talent Artist ng isang TV Station sa kabilang stasyon. Isa na riyan ang malayang pag-guest ng mga Star Magic Talents sa Maynila ni Mayor Lito Atienza na umeere sa Kapuso channel tuwing alas diyes ng umaga.

Kapansin-pansin din na nitong nakaraang buwan ay ang mga Love Team na mula  sa  “Big Brother Teen Clash of 2010” ang naging guests sa Maynila. Nauna nariyan ang tambalan nina Tricia Santos at Ivan Dorshner (TRIVAN) na ipinalabas noong July 16, na sinundan ng tambalan nina James Reid at Devon Seron (JAEVON) noong July 30, na siyang nagbigay sa show ng pinakamataas nitong TV Rating sa kabuhan ng buwan Hulyo na pumalo sa 11.5% sa TNS Kantar at 11.4% naman sa AGB Nielsen.

Ngayong darating na sabado, August 13 naman mapapanood ang tamabalan nina Bret Jackson at Fretzie Bercede (BRETZIE) kasama rin ang pinag-tatambal na sina Patrick Sugui at Ann Li (PATLI).

Sa tingin nyo ka-biters, sino sa mga Love team na ito talaga ang pinaka-sikat? Trivan, Jaevon, Bretzie o Patli ba? Kakagatin nyo ba ang Maynila epsisode this coming saturday?

 
11 Comments

Posted by on August 11, 2011 in abs-cbn, chizmiz, gma 7

 

Tags: , , , , , , , , ,

Fretzie Bercede, Bad Vibes sa ilang ABS-CBN Executives!

Kapansin-pansin na sa Big 6 ng Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010, tanging si Fretzie lamang ang hindi gaanong nakikita sa TV, dahil ang mga kasabayang niyang sina Devon Seron, Ivan Dorshner at James Reid ay napapanood tuwing linggo sa Good Vibes ng ABS-CBN, si Bret naman ay paminsan minsang nag-perform sa ASAP Rocks at ngayon ay mayroong digital album kasama si James na “We are Whatever” under Star Records. Si Ryan Bang naman ay di parin nabuburado bilang hurado sa Showtime.

Si Fretzie Bercede ay dapat sana’y main cast sa Good Vibes bilang love team ni Ivan, pero bago magsimula ang production ay bigla itong nag-backout sa show.

Dahil sa request ng kanyang mga fans sa staff and crew ng Good Vibes, muli siyang inimbitahan ng production team na mag-guest sa mga huling epsiode ng show, ngunit muli siyang nag-decline sa request na iyon, dahilan daw kung bakit na-babadvibes sa kanya ang ilang nagtratrabaho sa ABS-CBN.

Kayo ka-Biters, ano sa tingin nyo ang dahilan ng pag decline ni Fretzie sa offer and requests sa kanya?

Hindi naman walang walang project ang bagets, dahil nagbibida siya kasama si Bret sa isang theatre play na “Romeo at Juliet” na sa ngayon ay nagpapalabas parin.

Mapapanood din ang Bretzie Love Team kasama sina Ann Li at Patrick Sugui sa isang Maynila Episode ngayong darating na sabado sa GMA7.

 
2 Comments

Posted by on August 11, 2011 in abs-cbn

 

Tags: , , , , , , , , ,

 
%d bloggers like this: