RSS

Tag Archives: download

‘Yeng Versions Live’ ni Yeng Constatino, Mabenta sa mga Music Stores!

Matapos ang matagumpay na 2nd Major Concert ni Yeng noong nakaraang August 5 sa Aliw Theater. May panibgong handog ang Pop-Rock Princess ng Pilipinas sa kanyang mga loyal fans, Ito ang kanyang much awaited 4th Studio Album ang “Yeng Versions Live”.

Mayroong 10 tracks ang album kung saan lahat ng kanta ay ni-record ng Live at pawang nilapatan ng natatanging istilo ng dalaga sa pag-awit. Ilan sa mga tracks na  napapaloob sa album ay ang ‘Alapaap’ na pinasikat ng Eraserheads, ‘Even If’ ni Jam Morales at ‘Banal na Aso, Santong Kabayo’ ng Yano.

Available na ang ‘Yeng Versions Live’ Album sa buong bansa na nagkakahalagang Php350.00, mayroong 2 disc ang album na ito, ang unang disc ay ay Audio Format at ang pangalawa ay ang Video version mula Live Recording. Kasalukuyang nasa ika-2 posisyon ang album na ito ni Yeng sa Astro Plus Top 20 Best Selling Albums noong August 8-14.  

Maari din i-download via Digital Distribution mula sa Star Records website ang tracks at kabuuhan ng album sa Starrecords.ph

Mga ka-biters, sa tingin nyo ba magiging matagumpay at mag-platinum din ang album na ito tulad na debut album niya ang ‘Salamat’?

 
Leave a comment

Posted by on August 19, 2011 in abs-cbn, kapamilya

 

Tags: , , , , , , , , , ,

 
%d bloggers like this: