RSS

Tag Archives: Dingdong Dantes

‘Way Back Home’ papaiyakin ka sa August 17!

Mapapanood na sa mahigit 100 sinehan sa buong bansa ang pinakahihintay na pelikula ng Mara-Clara stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang “Way Back Home” na magpremiere na sa August 17!

Kasama pa dito ang mga dekalibreng artista na sina Lotlot De Leon, Ton Ton Gutierez at Agot Isidro, at sina Enrique Gil at Sam Concepcion bilang katambal ng dalawang bagets.

Ka-biters, kakagatin mo ba ang Pelikulang ito nina Julia at Kathryn? Maging singtagumpak kaya ito tulad ng Teleserye nilang “Mara Clara”?

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on August 12, 2011 in abs-cbn, kapamilya, movie, teens

 

Tags: , , , , , , , , ,

Hanapin nyo si Aga! nasaan si nga ba si Aga?

Tuluyan ng napadpad sa bakuran ng Kapatid Network si Aga Mulach na malapit na natin mapanood sa isang reality show na pinamagatang “Pinoy Explorer”. Lilipad na si Aga sa ibat-ibang bansa at kelangan mong hulaan kung saan sya naroroon bilang bahagi ng promo sa nalalapit na pag-ere ng show na ito.

sa iba pang impormasyon logon ka na dito: http://www.nasaansiaga.com/

Ka-biter, kakagatin nyo ba ang bagong eality show na ito ni Aga?

 
1 Comment

Posted by on August 11, 2011 in kapatid, tv5

 

Tags: , , , , , , , , , ,

‘Nasaan ka Elisa’ ni Melissa Ricks nakatago pa rin?

Ilang buwan na mula ng ipakitang ipalabas ang teaser at trailers ng pagbibidahang soap ni Melissa Ricks ang “Nasaan ka Elisa” na isang Philippine TV adaptation ng Hit Mexican Telenovela, ngunit hanggang ngayon ay wala paring desisyon angKapamilya Network kung kailan ipapalabas ang soap na ito.

Samantala ang soap ng kanyang mga kabarkadag sina Erich Gonzales na “Maria La del Barrio” sa matagal ding paghihintay ay mapapanood na simula Lunes na papalit sa magtatapos ng Mula sa Puso.

Ang “My Binondo Girl” naman ni Kim Chiu na binansagang pinaka-gwapong teleserye ay mapapanood na simula August 22 sa Primetime bida na siya namang papalit sa “Minsan lang Kita Iibigin”.

Mga ka-Biters, sa tingi nyo kelangan nga ba mapapakita si Elisa sa ating mga TV sets? totoo kaya ang bali-balita sa bakuran ng ABS-CBN na hindi confident ang management sa pagbibidang ito ni Melissa?

Kakagat ka ba sa “Nasaan si Elisa”?

 
1 Comment

Posted by on August 11, 2011 in abs-cbn

 

Tags: , , , , , , , , ,

Claudine Barretto, inalisan ng Ningning sa bituin ng Kapuso Network?

Mahigit 2 taon narin ang nakalipas ng kumabilang bakod si Claudine Barretto mula ABS-CBN papuntang GMA7, at mahigit 2 taon naring nananamlay ang ksilap ng kanyang bituin sa bagong home network niya.

Kung dati-rati ay reyna siya ng Kapamilya Network, madaming projects,Iniidolo ng karamihan,  inaalagaan ng star magic at ni Mr. M ang kanyang Career, ano nga ba ang tunay na intensyon ng Kapuso Network sa pagkumbinsi sa actress na lumipat sa kanila? Hanggang sa kasalukuyan ay si Marian Rivera parin ang tinuturing na reyna sa bakuran ng kapuso network, kaya hindi raw umano pwedeng mag-reyna-reynahan si Clau sa looban ng GMA7.

Matapos ang ilang projects ni Claudine sa Kapuso Network na aminin nating hindi masyadong nag-rerate. Ang bago kaya niyang Primetime show na Iglot ay papatok sa panlasa ng mga pinoy?

Kayo Ka-biters? sa tingin nyo nag-sisi ba si Claudine sa paglipat niya sa GMA 7?

 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in chizmiz, gma 7

 

Tags: , , , , , , , ,

Selina Matias, pinasabog ang sariling anak sa loob ng bus!

Tinutukan ng mga kapamilya kanina ang huling 2 episode ng Mula sa Puso! Pinag-usapan sa twitter world ang naturang episode kung saan di sinasadyang, si Nicole (Sue Anna Ramirez) ang nag-iisang anak ni Selina (Eula Valdez) ang napasabog niya sa loob ng bus imbes na si Via (Lauren Young) na target niyang pasabugin.

Ka-biter! kung ikaw si Selina, ano ang magiging reaksyon mo na sarili mong anak ang napawian ng buhay dahil sa iyong paghihiganti? kung ako ka-biter, mababaliw ako!

Tutukan ang pagtatapos ng Mula sa Puso, bukas pagkatapos ng I dare You at bago mag TV Patrol sa ABS-CBN

 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in abs-cbn

 

Tags: , , , , , , , ,

 
%d bloggers like this: