RSS

Category Archives: chizmiz

‘Yeng Versions Live’ ni Yeng Constatino, Mabenta sa mga Music Stores!

Matapos ang matagumpay na 2nd Major Concert ni Yeng noong nakaraang August 5 sa Aliw Theater. May panibgong handog ang Pop-Rock Princess ng Pilipinas sa kanyang mga loyal fans, Ito ang kanyang much awaited 4th Studio Album ang “Yeng Versions Live”.

Mayroong 10 tracks ang album kung saan lahat ng kanta ay ni-record ng Live at pawang nilapatan ng natatanging istilo ng dalaga sa pag-awit. Ilan sa mga tracks na  napapaloob sa album ay ang ‘Alapaap’ na pinasikat ng Eraserheads, ‘Even If’ ni Jam Morales at ‘Banal na Aso, Santong Kabayo’ ng Yano.

Available na ang ‘Yeng Versions Live’ Album sa buong bansa na nagkakahalagang Php350.00, mayroong 2 disc ang album na ito, ang unang disc ay ay Audio Format at ang pangalawa ay ang Video version mula Live Recording. Kasalukuyang nasa ika-2 posisyon ang album na ito ni Yeng sa Astro Plus Top 20 Best Selling Albums noong August 8-14.  

Maari din i-download via Digital Distribution mula sa Star Records website ang tracks at kabuuhan ng album sa Starrecords.ph

Mga ka-biters, sa tingin nyo ba magiging matagumpay at mag-platinum din ang album na ito tulad na debut album niya ang ‘Salamat’?

 
Leave a comment

Posted by on August 19, 2011 in abs-cbn, kapamilya

 

Tags: , , , , , , , , , ,

Ann Li, bilang si Lucy sa Good Vibes! JamLi o JaeVon ka ba?

Patuloy ang pamamayagpag sa TV rating ng Good Vibes laban sa katapat nitong programa sa GMA 7 na Tween Hearts. Noong nakaraang linggo ay nakakuha ng tumataginting na 10.4% sa TNS Rating ang GV Crew laban sa 8.6% ng Tween Hearts.

Nagyong linggo (August 14), totoo na kaya ang nararamdaman ni Marc (Sam Concepcion) kay Ara (Yen Santos) ? o si Monique (Coleen Garcia) parin ang gusto niya?

Samanta, magkakaroon ng selosan ang love birds ng GV Crew, Paano magpapaliwanag si Troy (Enrique Gil) kay Geleen (Linn Oeymo) dahil sa di sinasadyang paghalik sa kanya ng pinsan ni Ara na si Gracia (RR Enriquez) ?

At ang isa sa pinag-uusapang tambalan ng Good Vibes, si Maribeth (Devon Seron) at Spencer (James Reid), ngayong magkasintahan na ang dalawa, ano ang magiging ugnayan ni Spencer sa kay Lucy (Ann Li)?

Abangan ang huling 3 linggo ng Good Vibes, pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN!

Ka-biters, sino ba ang gusto nyo magkatuluyan sa Good Vibes kung sakaling magkaroon ng Season 2? si Spencer at Lucy (Jamli) o Spencer at Maribeth (Jaevon)? Like their photo now. Voting until August 20!

 
21 Comments

Posted by on August 13, 2011 in abs-cbn, teens

 

Tags: , , , , , , , , , , ,

Pagtatapos ng “Mula sa Puso” pinag-usapan sa Twitter World!

Pinag-usapan ng sambayan ang pagtatapos ng Mula sa Puso, and remake ng Top rated teleserye ni Claudine Baretto at Rico Yan+ noon, na n pinagbidahan ni Lauren Young at JM De Guzman ngayon.

Hindi lang ang mga taong nakatutok sa sa telebisyon ang pinag-usapan ang wakas ng serye, kundi maging sa mundo ng Twitter ang pinag-usapan din. Sa katunayan nangunang Trending Topic ang #MulasaPusoAngPagtatapos kahapon. Maging ang MSP (a.k.a Mula sa Puso) ay trending din hanggang sa mga oras na ito na kasalukuyang nasa ika 9 na pwesto.

Kayo ka-biter tinutukan nyo ba ang pagtatapos ng Mula sa Puso kagabi? Kinagat mo ba?

 
Leave a comment

Posted by on August 13, 2011 in abs-cbn, kapamilya

 

Tags: , , , , , , , , ,

Anak ni Piolo, na si Iñigo Pascual, Look-a-like ng teen actor-singer na si Jaco Benin.

Ka-biters pansin nyo ba ang pagiging magkahawig ng anak ni Papa P. na si Iñigo Pascual sa anak ni Joey Benin na si Jaco Benin?

Si Joey Benin ay former member ng Side A (band) at ang anak naman niyang si Jaco ay namana ang pagiging musika niya at napapanood sa ASAP Rocks at sa ilang TV shows sa ABS-CBN at TV5. Nakapag-release narin ng debut Album itong si Jaco na may titulong “Ako Naman” under Poly east Records.

Mga ka-biters, sino ang mas gusto mong kagatin, si Iñigo ba? o si Jaco?

 
1 Comment

Posted by on August 12, 2011 in abs-cbn, hunk, teens

 

Tags: , , , , , , , , , ,

‘Way Back Home’ papaiyakin ka sa August 17!

Mapapanood na sa mahigit 100 sinehan sa buong bansa ang pinakahihintay na pelikula ng Mara-Clara stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang “Way Back Home” na magpremiere na sa August 17!

Kasama pa dito ang mga dekalibreng artista na sina Lotlot De Leon, Ton Ton Gutierez at Agot Isidro, at sina Enrique Gil at Sam Concepcion bilang katambal ng dalawang bagets.

Ka-biters, kakagatin mo ba ang Pelikulang ito nina Julia at Kathryn? Maging singtagumpak kaya ito tulad ng Teleserye nilang “Mara Clara”?

 
Leave a comment

Posted by on August 12, 2011 in abs-cbn, kapamilya, movie, teens

 

Tags: , , , , , , , , ,

Hanapin nyo si Aga! nasaan si nga ba si Aga?

Tuluyan ng napadpad sa bakuran ng Kapatid Network si Aga Mulach na malapit na natin mapanood sa isang reality show na pinamagatang “Pinoy Explorer”. Lilipad na si Aga sa ibat-ibang bansa at kelangan mong hulaan kung saan sya naroroon bilang bahagi ng promo sa nalalapit na pag-ere ng show na ito.

sa iba pang impormasyon logon ka na dito: http://www.nasaansiaga.com/

Ka-biter, kakagatin nyo ba ang bagong eality show na ito ni Aga?

 
1 Comment

Posted by on August 11, 2011 in kapatid, tv5

 

Tags: , , , , , , , , , ,

Kapamilya Teen Star paboritong i-guest sa MAYNILA ng Kapuso Network!

Isang magandang sign na uti-unti nang nawawala ang tinatawag na ‘network war’ ang pagiging malayang pagtratrabaho ng isang Talent Artist ng isang TV Station sa kabilang stasyon. Isa na riyan ang malayang pag-guest ng mga Star Magic Talents sa Maynila ni Mayor Lito Atienza na umeere sa Kapuso channel tuwing alas diyes ng umaga.

Kapansin-pansin din na nitong nakaraang buwan ay ang mga Love Team na mula  sa  “Big Brother Teen Clash of 2010” ang naging guests sa Maynila. Nauna nariyan ang tambalan nina Tricia Santos at Ivan Dorshner (TRIVAN) na ipinalabas noong July 16, na sinundan ng tambalan nina James Reid at Devon Seron (JAEVON) noong July 30, na siyang nagbigay sa show ng pinakamataas nitong TV Rating sa kabuhan ng buwan Hulyo na pumalo sa 11.5% sa TNS Kantar at 11.4% naman sa AGB Nielsen.

Ngayong darating na sabado, August 13 naman mapapanood ang tamabalan nina Bret Jackson at Fretzie Bercede (BRETZIE) kasama rin ang pinag-tatambal na sina Patrick Sugui at Ann Li (PATLI).

Sa tingin nyo ka-biters, sino sa mga Love team na ito talaga ang pinaka-sikat? Trivan, Jaevon, Bretzie o Patli ba? Kakagatin nyo ba ang Maynila epsisode this coming saturday?

 
11 Comments

Posted by on August 11, 2011 in abs-cbn, chizmiz, gma 7

 

Tags: , , , , , , , , ,

 
%d bloggers like this: