RSS

Author Archives: showbizbite

Selina Matias, pinasabog ang sariling anak sa loob ng bus!

Tinutukan ng mga kapamilya kanina ang huling 2 episode ng Mula sa Puso! Pinag-usapan sa twitter world ang naturang episode kung saan di sinasadyang, si Nicole (Sue Anna Ramirez) ang nag-iisang anak ni Selina (Eula Valdez) ang napasabog niya sa loob ng bus imbes na si Via (Lauren Young) na target niyang pasabugin.

Ka-biter! kung ikaw si Selina, ano ang magiging reaksyon mo na sarili mong anak ang napawian ng buhay dahil sa iyong paghihiganti? kung ako ka-biter, mababaliw ako!

Tutukan ang pagtatapos ng Mula sa Puso, bukas pagkatapos ng I dare You at bago mag TV Patrol sa ABS-CBN

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in abs-cbn

 

Tags: , , , , , , , ,

Binata na si Heaven!

Parang kelan lang chikiting pa itong si Heaven!

Photo credit to; Kakulay Blog

Ngayon binata na ang anak ni Geneva Cruz kay Paco Arespacochaga.Nasa dugo at hitsura naman ni heaven ang pagiging artista, at bali-balita na papasok narin siya sa showbizness.

Sa tingin nyo Ka-biters, saang TV Station mapupunta si Heaven? Sa ABS-CBN, GMA 7 o sa TV5?

Kakagatin nyo ba kung sakaling mag-showbiz siya?

 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in chizmiz, hunk

 

Tags: ,

Kim Chiu at Gov. Vilma Santos magsasama sa isang horror movie!

Confirmed! Magsasama si Gov. Vilma Santos at si Kim Chiu sa isang Horror Movie under Star Cinema na maipapalabas early next year!

Ang tanong ng karamihan, kelan kaya matutuloy ang movie project ni Mega Star Sharon Cuneta at Star for All Season Vilma Santos?

Anong say nyo ka-Biters? Kakagat ka ba sa Horror movie na ito?

 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in movie

 

Tags: , , , , , ,

Yen Santos at Albie Casiño, Mabibida na sa Kapamilya Gold!

Mayroon na namang bagong teleserye ang susubaybayan ng mga kapamilya tuwing hapon sa unti-unting bumabangong Kapamilya Gold ng ABS-CBN!

Hindi rin totoo ang balitang paglipat ni Albie Casiño sa TV5 matapos siyang tanggalin ng management sa kanyang upcoming TV show na ‘Growing Up’ and Movie with Mara Clara Stars Kathryn Bernardo at Julia Montes, dahil sa isyu ng pagbubuntis ni Andi Eigenmann,

Magbibida si Albie sa isang TV Adaptation  ng 1980’s Regal Movie na “Problem Child” na pinabidahan noon  Cherie Gil, na siya ring makakasama niya sa teleserye. Makaksama rin niya si Martin Del Rosario at ang Pinoy Big Brother teen alumna na si Yen Santos na kanyang magiging leading lady.

 

Mukang, sa mga kasabayang teen star ni Yen sa Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010, siya ang  pinaka-puno ang sched dahil sa dami niyang projects sa ABS-CBN. Isa na riyan ang patatapos ng sunday Teen oriented show na Good Vibes at ang papalit ditong show na “Growing Up” kung saan si Neil Coleta naman ang makakapareha niya.

Ka- biters, anong say nyo sa pagiging work loaded ni Yen? sino ang mas kakagatin nyong makapareha niya? si Sam Concepcion (Good Vibes) , Neil Coleta (Growing Up) o si Albie Casiño (Problem Child) ? Kagat na!

 
16 Comments

Posted by on August 11, 2011 in abs-cbn, chizmiz, kapamilya, teens

 

Tags: , , , , , , , , ,

Thai Heartthrob na si Mario Maurer, gagawa ng Pelikula sa Pilipinas under Star Cinema!


Kamakailan ay napanood sa E-Live ng ABS-CBN ang interview sa Thai Heartthrob na si Mario Maurer na talaga naman pinag-usapan sa mundo ng twitter noong nakaraang sabado.

Si Mario ay nakilala sa kanyang kauna-unahang pelikula, ang 2005 Hit Movie na “Love of Siam” kung saan gumanap siya bilang isang teenage boy na na-inlove sa kanyang kababata at bestfriend na kapwa lalaki, nagkaroon din siya ng kissing scene sa kanyang co-actor na si Witwisit Hiranwongkul na gumaganap bilang kanyang bestfriend turned lover. Humakot ng napakaraming awards sa ibat-ibang film festivals across asia  ang naturang pelikula at siya ring nagbigay sa kanya Best Actor award sa 10th Cinemanila International Film Festival for Southeast Asian film category. Ito ang nagbigay daan upang sumikat ang 22 year old na actor sa China, Korea at dito sa Pilipinas.

Mas lalo pang nakilala si Mario sa kanyang 2010 hit movie na “Crazy Little Thing Called Love” na talaga namang tinangkilik sa asya, Nagkaroon din ng tagalized dubbed ang naturang pelikula na tinutukan ng sambayanang Pilipino sa ABS-CBN na nakakuha ng mataas na ratings.

Mario Maurer in E-Live

Sa pagbisita ni Mario sa Pilipinas ay bibigyan niya ng pagkakataon ang kanyang mga Filipino fans na ma-meet and greet siya na oorginasahin ng Penshoppe, ang clothing line na ini-endorso niya dito sa Pilipinas.

Inihahanda narin ng Star Cinema ang pelikulang pag bibidahan niya, may usap usapan na si Erich Gonzales o kaya si Kim Chiu ang kanyang magiging leading lady.

Ka-biter, sino ang kakagatin nyo maging Leading Lady ni Mario, si Erich o Kim Chiu ba? Kagat na!Vote na!

 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in kapamilya, movie, teens

 

Tags: , , , , , , , , ,

Tween Hearts the Movie! sa August 24 na!

Mapapanood na ng avid fans ng Tween Hearts ang kanilang mga paboritong teen stars na sina Elmo Magalona, Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Jake Vargas, Bea Binene, Joyce Ching, Kristofer Martin at iba pang teen cast ng TH sa Big Screen simula August 24!

Dahil ang GMA Films “Tween Academy: Clash of 2012” na  movie version ng Kapuso Hit Sunday teen Oriented show na ‘Reel Love Presents Tween Hearts’ ay ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa.

Hit din kaya ang Tween Academy: Clash of 2011 sa Box office sale, tulad ng pagiging hit ng Reel Love presents: Tween Hearts sa TV Rating?

Kakagatin mo ba ito? o walk out ka nalang?

 

 

 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in movie

 

Tags:

Kris TV ni Queen of All Media Kris Aquino, pinatataob parin ng Anime’ ng GMA!

Mahighit isang buwan naring naka-ere ang morning talk show ni Ms. Kris Aquino, pero hindi parin nito magawang mapantayan o malampasan ang TV ratings ng katapat netong mga programa na pawang mga Anime! ang One Piece at Slumdunk!

Heto ang TNS Kantar comparative ratings noong August 8, 2011, Lunes ng Kris TV against One Piece and Slumdunk ng kapuso newwork.

 

Kris TV (9.1%) vs. One Piece (11.2%) / Slamdunk (11.9%)

Nawawalan na nga ba ningning ang kislap ng bituin ng Queen of All Media? Anong say nyo?

 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in chizmiz, TNS, tv ratings

 

Tags: , , ,

 
%d bloggers like this: