RSS

Thai Heartthrob na si Mario Maurer, gagawa ng Pelikula sa Pilipinas under Star Cinema!

11 Aug


Kamakailan ay napanood sa E-Live ng ABS-CBN ang interview sa Thai Heartthrob na si Mario Maurer na talaga naman pinag-usapan sa mundo ng twitter noong nakaraang sabado.

Si Mario ay nakilala sa kanyang kauna-unahang pelikula, ang 2005 Hit Movie na “Love of Siam” kung saan gumanap siya bilang isang teenage boy na na-inlove sa kanyang kababata at bestfriend na kapwa lalaki, nagkaroon din siya ng kissing scene sa kanyang co-actor na si Witwisit Hiranwongkul na gumaganap bilang kanyang bestfriend turned lover. Humakot ng napakaraming awards sa ibat-ibang film festivals across asia  ang naturang pelikula at siya ring nagbigay sa kanya Best Actor award sa 10th Cinemanila International Film Festival for Southeast Asian film category. Ito ang nagbigay daan upang sumikat ang 22 year old na actor sa China, Korea at dito sa Pilipinas.

Mas lalo pang nakilala si Mario sa kanyang 2010 hit movie na “Crazy Little Thing Called Love” na talaga namang tinangkilik sa asya, Nagkaroon din ng tagalized dubbed ang naturang pelikula na tinutukan ng sambayanang Pilipino sa ABS-CBN na nakakuha ng mataas na ratings.

Mario Maurer in E-Live

Sa pagbisita ni Mario sa Pilipinas ay bibigyan niya ng pagkakataon ang kanyang mga Filipino fans na ma-meet and greet siya na oorginasahin ng Penshoppe, ang clothing line na ini-endorso niya dito sa Pilipinas.

Inihahanda narin ng Star Cinema ang pelikulang pag bibidahan niya, may usap usapan na si Erich Gonzales o kaya si Kim Chiu ang kanyang magiging leading lady.

Ka-biter, sino ang kakagatin nyo maging Leading Lady ni Mario, si Erich o Kim Chiu ba? Kagat na!Vote na!

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on August 11, 2011 in kapamilya, movie, teens

 

Tags: , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: