Sa mga bumibisita sa kaing Blog!
Nag-alsa balutan napo ako! at ngayon nasa bagong Blog Station! Click lang ang links sa baba!
www.showbizbite.co.tv
Kagat na!
Sa mga bumibisita sa kaing Blog!
Nag-alsa balutan napo ako! at ngayon nasa bagong Blog Station! Click lang ang links sa baba!
Kagat na!
Matapos ang matagumpay na 2nd Major Concert ni Yeng noong nakaraang August 5 sa Aliw Theater. May panibgong handog ang Pop-Rock Princess ng Pilipinas sa kanyang mga loyal fans, Ito ang kanyang much awaited 4th Studio Album ang “Yeng Versions Live”.
Mayroong 10 tracks ang album kung saan lahat ng kanta ay ni-record ng Live at pawang nilapatan ng natatanging istilo ng dalaga sa pag-awit. Ilan sa mga tracks na napapaloob sa album ay ang ‘Alapaap’ na pinasikat ng Eraserheads, ‘Even If’ ni Jam Morales at ‘Banal na Aso, Santong Kabayo’ ng Yano.
Available na ang ‘Yeng Versions Live’ Album sa buong bansa na nagkakahalagang Php350.00, mayroong 2 disc ang album na ito, ang unang disc ay ay Audio Format at ang pangalawa ay ang Video version mula Live Recording. Kasalukuyang nasa ika-2 posisyon ang album na ito ni Yeng sa Astro Plus Top 20 Best Selling Albums noong August 8-14.
Maari din i-download via Digital Distribution mula sa Star Records website ang tracks at kabuuhan ng album sa Starrecords.ph
Mga ka-biters, sa tingin nyo ba magiging matagumpay at mag-platinum din ang album na ito tulad na debut album niya ang ‘Salamat’?
Patuloy ang pamamayagpag sa TV rating ng Good Vibes laban sa katapat nitong programa sa GMA 7 na Tween Hearts. Noong nakaraang linggo ay nakakuha ng tumataginting na 10.4% sa TNS Rating ang GV Crew laban sa 8.6% ng Tween Hearts.
Nagyong linggo (August 14), totoo na kaya ang nararamdaman ni Marc (Sam Concepcion) kay Ara (Yen Santos) ? o si Monique (Coleen Garcia) parin ang gusto niya?
Samanta, magkakaroon ng selosan ang love birds ng GV Crew, Paano magpapaliwanag si Troy (Enrique Gil) kay Geleen (Linn Oeymo) dahil sa di sinasadyang paghalik sa kanya ng pinsan ni Ara na si Gracia (RR Enriquez) ?
At ang isa sa pinag-uusapang tambalan ng Good Vibes, si Maribeth (Devon Seron) at Spencer (James Reid), ngayong magkasintahan na ang dalawa, ano ang magiging ugnayan ni Spencer sa kay Lucy (Ann Li)?
Abangan ang huling 3 linggo ng Good Vibes, pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN!
Ka-biters, sino ba ang gusto nyo magkatuluyan sa Good Vibes kung sakaling magkaroon ng Season 2? si Spencer at Lucy (Jamli) o Spencer at Maribeth (Jaevon)? Like their photo now. Voting until August 20!
Pinag-usapan ng sambayan ang pagtatapos ng Mula sa Puso, and remake ng Top rated teleserye ni Claudine Baretto at Rico Yan+ noon, na n pinagbidahan ni Lauren Young at JM De Guzman ngayon.
Hindi lang ang mga taong nakatutok sa sa telebisyon ang pinag-usapan ang wakas ng serye, kundi maging sa mundo ng Twitter ang pinag-usapan din. Sa katunayan nangunang Trending Topic ang #MulasaPusoAngPagtatapos kahapon. Maging ang MSP (a.k.a Mula sa Puso) ay trending din hanggang sa mga oras na ito na kasalukuyang nasa ika 9 na pwesto.
Kayo ka-biter tinutukan nyo ba ang pagtatapos ng Mula sa Puso kagabi? Kinagat mo ba?
Ka-biters pansin nyo ba ang pagiging magkahawig ng anak ni Papa P. na si Iñigo Pascual sa anak ni Joey Benin na si Jaco Benin?
Si Joey Benin ay former member ng Side A (band) at ang anak naman niyang si Jaco ay namana ang pagiging musika niya at napapanood sa ASAP Rocks at sa ilang TV shows sa ABS-CBN at TV5. Nakapag-release narin ng debut Album itong si Jaco na may titulong “Ako Naman” under Poly east Records.
Mga ka-biters, sino ang mas gusto mong kagatin, si Iñigo ba? o si Jaco?
Ka-biters, get latest showbiz balita from ShowbizBite at Facebook! Like Na! Sige Na!
click here
Mapapanood na sa mahigit 100 sinehan sa buong bansa ang pinakahihintay na pelikula ng Mara-Clara stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang “Way Back Home” na magpremiere na sa August 17!
Kasama pa dito ang mga dekalibreng artista na sina Lotlot De Leon, Ton Ton Gutierez at Agot Isidro, at sina Enrique Gil at Sam Concepcion bilang katambal ng dalawang bagets.
Ka-biters, kakagatin mo ba ang Pelikulang ito nina Julia at Kathryn? Maging singtagumpak kaya ito tulad ng Teleserye nilang “Mara Clara”?
Tuluyan ng napadpad sa bakuran ng Kapatid Network si Aga Mulach na malapit na natin mapanood sa isang reality show na pinamagatang “Pinoy Explorer”. Lilipad na si Aga sa ibat-ibang bansa at kelangan mong hulaan kung saan sya naroroon bilang bahagi ng promo sa nalalapit na pag-ere ng show na ito.
sa iba pang impormasyon logon ka na dito: http://www.nasaansiaga.com/
Ka-biter, kakagatin nyo ba ang bagong eality show na ito ni Aga?
Isang magandang sign na uti-unti nang nawawala ang tinatawag na ‘network war’ ang pagiging malayang pagtratrabaho ng isang Talent Artist ng isang TV Station sa kabilang stasyon. Isa na riyan ang malayang pag-guest ng mga Star Magic Talents sa Maynila ni Mayor Lito Atienza na umeere sa Kapuso channel tuwing alas diyes ng umaga.
Kapansin-pansin din na nitong nakaraang buwan ay ang mga Love Team na mula sa “Big Brother Teen Clash of 2010″ ang naging guests sa Maynila. Nauna nariyan ang tambalan nina Tricia Santos at Ivan Dorshner (TRIVAN) na ipinalabas noong July 16, na sinundan ng tambalan nina James Reid at Devon Seron (JAEVON) noong July 30, na siyang nagbigay sa show ng pinakamataas nitong TV Rating sa kabuhan ng buwan Hulyo na pumalo sa 11.5% sa TNS Kantar at 11.4% naman sa AGB Nielsen.
Ngayong darating na sabado, August 13 naman mapapanood ang tamabalan nina Bret Jackson at Fretzie Bercede (BRETZIE) kasama rin ang pinag-tatambal na sina Patrick Sugui at Ann Li (PATLI).
Sa tingin nyo ka-biters, sino sa mga Love team na ito talaga ang pinaka-sikat? Trivan, Jaevon, Bretzie o Patli ba? Kakagatin nyo ba ang Maynila epsisode this coming saturday?
Ang “Good Vibes” ay isang youth-oriented/dance-series ng Kapamilya Network na nagsimulang umere noong April 3 at napapanood tuwing linggo pagkatapos ng ASAP Rocks ay nakakubling magwakas sa katapusan ng buwang ito na papalitan ng panibagong teen show mula sa Mara Clara Teen stars, ang “Growing Up”.
Nakaplano lamang sa 14 na episodes ang show na ito na pinagbibidahan nina Sam Concepcion at Enrique Gil. Ngunit dahil sa consistent high ratings sa TNS Kantar Ratings laban sa katapat na programa sa Kapuso Network na isa ring youth-orinted show ang “Reel Love Presents: Tween Hearts”, Inextend ng ABS-CBN ang show hanggang katapusan ng buwang ito. Sa katunayan, nakuha ng Good Vibes ang Pinakamataas nitong TV rating sa ika-18 epsiode noong July 31 na pumalo sa 12.2% laban sa 8.8% ng Tween Hearts.
Hindi lang dance moves at storya ng serye ang inaabangan ng avid viewers ng show, kundi ang kiligvibes na dulot ng mga Love Teams sa show. Ang tambalan ni Troy (Enrique Gil) at Geleen (Linn Oeymo) ay talagang sinusubaybayan pati rin ang “Mahal kita, Mahal mo siya, Mahal ka niya” love story nina Marc (Sam Concepcion), Ara (Yen Santos) at Monique (Coleen Garcia) ay pinag-uusapan din ng mga manonood.
Samantala ang Love Story ni Maribeth (Devon Seron) na ala “Fairy tale/Cinderella meets Prince Charming” na siyang pinag-aagawan ng mga imported at cute guys na si Aussie boy, Spencer (James Reid) at American dude, Gab (Ivan Dorshner).
Mukang bitin ang mga fans ng Good Vibes sa 4 na buwan pag-ere ng show, kaya mayroon silang inoorganisang petisyon para magkaroon ng Season 2.!
Kayo ka-biter, makikikagat ka ba sa petisyong ito para sa Good Vibes Season 2?
Matapos iatras ng TV5 ang airdate ng TV Adaptation nang Pelikula ni Robin Padilla na “Ang Utol kong Hoodlum” bilang pagbibigay galang sa pagsisimula ng “Guns and Roses” na soap ni Binoy sa kapamilya Network.
Di na iuurong pa at talagang ikakasa na ng TV5 ang pag-ere ng seryeng ito na pinagbibidahan nina JC De Vera at kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis na magsisimulang umere sa September 12, sa Primetime Panalo ng TV5!
Ang ilan pa sa mga artistang makikilaala natin sa serye ay sina Arci Munoz, Carlo Aquino, IC Mendoza, Jay Manalo, Dennis Padilla, Empoy, Jeff Gaitan Ara Mina, Mariz Ricketts Flora Gasser and Miss Bella Flores.
Sa tingin nyo mga ka-Biters, magustuhan kaya ni Binoy ang ginawang remake ng Kapatid Network sa isa sa pinakamatagumpay niyang pelikula? Kakagatin nyo ba ang teleseryeng ito?
Kapansin-pansin na sa Big 6 ng Pinoy Big Brother: Teen Clash of 2010, tanging si Fretzie lamang ang hindi gaanong nakikita sa TV, dahil ang mga kasabayang niyang sina Devon Seron, Ivan Dorshner at James Reid ay napapanood tuwing linggo sa Good Vibes ng ABS-CBN, si Bret naman ay paminsan minsang nag-perform sa ASAP Rocks at ngayon ay mayroong digital album kasama si James na “We are Whatever” under Star Records. Si Ryan Bang naman ay di parin nabuburado bilang hurado sa Showtime.
Si Fretzie Bercede ay dapat sana’y main cast sa Good Vibes bilang love team ni Ivan, pero bago magsimula ang production ay bigla itong nag-backout sa show.
Dahil sa request ng kanyang mga fans sa staff and crew ng Good Vibes, muli siyang inimbitahan ng production team na mag-guest sa mga huling epsiode ng show, ngunit muli siyang nag-decline sa request na iyon, dahilan daw kung bakit na-babadvibes sa kanya ang ilang nagtratrabaho sa ABS-CBN.
Kayo ka-Biters, ano sa tingin nyo ang dahilan ng pag decline ni Fretzie sa offer and requests sa kanya?
Hindi naman walang walang project ang bagets, dahil nagbibida siya kasama si Bret sa isang theatre play na “Romeo at Juliet” na sa ngayon ay nagpapalabas parin.
Mapapanood din ang Bretzie Love Team kasama sina Ann Li at Patrick Sugui sa isang Maynila Episode ngayong darating na sabado sa GMA7.
Tinutukan ng mga kapamilya kanina ang huling 2 episode ng Mula sa Puso! Pinag-usapan sa twitter world ang naturang episode kung saan di sinasadyang, si Nicole (Sue Anna Ramirez) ang nag-iisang anak ni Selina (Eula Valdez) ang napasabog niya sa loob ng bus imbes na si Via (Lauren Young) na target niyang pasabugin.
Ka-biter! kung ikaw si Selina, ano ang magiging reaksyon mo na sarili mong anak ang napawian ng buhay dahil sa iyong paghihiganti? kung ako ka-biter, mababaliw ako!
Tutukan ang pagtatapos ng Mula sa Puso, bukas pagkatapos ng I dare You at bago mag TV Patrol sa ABS-CBN